"Ang pagkawasak ng kalikasan dahil sa katauhan"
Tumatanggap ba ngayon ang mga tao ng pananagutan sa pagkakasira ng kalikasan? Napakahalaga ng ginagampanan ng kalikasan para sa mga tao ngunit alam ba natin kung gaano natin kailangan ang kalikasan ay ganito rin tayo nitong kailangan? Ang mga tao ay kumukuha ng mga pangunahing pangangailangan na kailangan upang mabuhay sa kalikasan. Ang tanging hiling at daing lamang ng kalikasan ay ito ay ating alagaan at mahalin upang hindi ito tuluyang mawasak. Sa panahong nagaganap ngayon ay nawawalan na ng pake ang mga tao sa kalikasan at patuloy na tayong hinahabol, sinisingil at winawasak ng kalikasan tulad ng pagwasak natin dito.
|
"Ang tao at ang kalikasan ay biyaya ng Maykapal" |
|
"Ito ay naglilinis ng hangin para sa ating mga tao" |
|
"Ginawa ang kalikasan upang mapagkuhanan at alagaan ng tao" |
|
"Nakatutulong ito sa tao sa maraming paraan" |
|
"Napakasarap pagmasdan ng kalikasan" |
|
"Ang kalikasan ay nagsisilbing kaakibat natin sa buhay" |
|
"Ang linyang naglahad sa hati ng paglago at pagkawasak" |
|
"Sa kabila ng pag-unlad ng industriya ay ang pagkawasak ng kalikasan" |
|
"Iba't-ibang uri ng imprastaktura ang kapalit ng nawasak na kalikasan" |
|
"Ang lahat ng ito ay para rin sa mga tao" |
|
"Ang dating puro puno, ngayo'y puro lupa na lamang" |
|
"Dulot ng pagkawasak ng kalikasan ang napakatinding init" |
|
"Pati na rin ang kakulangan sa tubig" |
|
"Ang unang hakbang sa pagsasaayos ng kalikasan ay magmumula SAYO"
|
|
"Kailangan ang pagsasaayos ay ating isabuhay upang tayo ay patuloy pang mabuhay" |
Kailangan ng tao ang kalikasan at kailangan din ng kalikasan ang tao. Sa panahon ngayon ay patuloy na umuunlad ang buong mundo ngunit hindi natin napapansin ang dulot nito sa kalikasan na mismong pinagkuhanan natin ng mga materyales upang umunlad ang industriya. Napakaraming masasamang bagay ang naidudulot ng pagkawasak ng kalikasan at siguradong pag ito ay tuluyang nawasak ay pagsisihan ito ng katauhan. Tayo ang inatasang magbantay sa lahat ng ginawa ng Diyos at ito ay ating responsibilidad. Aantayin pa ba nating mahuli na ang lahat at pagsisihan ito bago natin isagawa ang pag-ayos at pag-alaga ng kalikasan?